Advertisers

Advertisers

Soft MECQ inirekomenda ng Octa Research pag ‘di umubra ang NCR Plus bubble

0 190

Advertisers

MULING iginiit ng OCTA research Team na kinakailangan isailalim sa mas mahigpit na Soft Modified Enhanced Community Quarantine (SOFT MECQ) ang mga lugar na kabilang sa NCR Plus Bubble upang mapabagal ang pagkalat ng covid infection
Sa projection ng OCTA Research, tinatayang aabot ng apat na linggo bago mabaligtad ang upward trend ng covid case.
Sa ngayon ay nasa 1.9 ang reproduction rate at kinakailangan itong mapababa sa 1.
Sinabi ni Prof. Ranjit Rye, kung hindi bababa sa 1.5 ang reproduction rate kahit na ipinapatupad ang NCR Plus Bubble ay dapat ng magpatupad ng soft MECQ.
Kinatatakutan ni Rye na mag-collapse ang healthcare system ng bansa at umabot na sa punto na hindi na kayang tumanggap ng pasyente ng mga ospital.
Dagdag pa ni Rye, dalawang linggo lang naman ang inirekomenda nila na soft MECQ at sa ilalim nito ay gagana pa rin ang public transportation, at mas hinihikayat ang mga private sectors na mag- Work from Home na lang.
Umaasa ang grupo na malaki ang maging epekto ng NCR plus Bubble na tatagal hanggang Abril 4. (Jonah Mallari)