Advertisers

Advertisers

Zoren ganap nang hagad; Kakai binantaan, ‘wag na gamitin ang Thai actor sa mga interbyu

0 231

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MIYEMBRO na si Zoren Legaspi ng Highway Patrol Group.

Ito ang kanyang ibinahagi sa programang “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition” tampok ang Legaspi family.



Ani Zoren, hindi madali ang kanyang pinagdaanang training para lang maging hagad.

Sa nasabing episode, ipinakita rin niya ang kanyang uniform.

“Akala nila peke ito. Pinaghirapan ko ito, hon,” sey ni Zoren sa misis na si Carmina Villarroel.

Naikuwento ni Zoren ang bago niyang tungkulin nang pumunta sila sa kanilang rest house sa Batangas.

“Yung mga civilian, hindi basta-basta nakaka-penetrate doon, so mga selected civilian lang ‘yung maaari. Ako ang isa sa mga lucky civilians na napasama sa grupo kaya pinaghirapan ko ito,” hirit ng actor.



Ang highway patrol group ang tungkuling ipatupad ang batas pantrapiko sa lungsod.

Trabaho rin nila ang panatilihing ligtas ang mga kalsada.

Sa naturang show, binati naman ni Carmina ang kanyang mister sa bago nitong achievement.

Ipinakita ni Zoren ang kanyang husay sa pagmamaneho ng motor at saad niya, “Nakita mo naman mabait ako mag-motor ‘di ba?”

Bukod sa kuwento ng latest achievement ni Zoren, ipinakita rin sa episode na ito ang kanilang quick getaway bilang pamilya sa kanilang rest house.

Dito ipinakita nina Carmina, Zoren at kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi ang ilang fun activities na kanilang ginagawa sa bahay.

Meron ding yummy recipe na inihanda si Carmina para sa kanyang pamilya.

***

BINANTAAN ang komedyanang si Kakai Bautista sa  umanoý panggagamit nito sa Thai superstar na si Mauro Maurer.

Ang cease and desist order ay nanggaling mismo sa Kwaonhar Nine Nine Co, Ltd. na nagha-handle ng career ni Mauro.

Warning ng nasabing agency, tigilan na raw ng komedyana ang paggamit kay Mauro sa mga panayam dito.

Madalas kasing palabasin noon ni Kakai na  bukod sa close sila ng Thai heartthrob ay gustung-gusto siya nito.

Sina Kakai at Mauro ay nagkasama sa pelikulang “Suddenly, It’s Magic” na pinagbidahan ni Erich Gonzales na matalik na kaibigan din ng Thai actor.