Advertisers

Advertisers

GOBERNADOR, MEYOR AT KAPITAN ISINAMA NA SA PRIORITY LIST NG BABAKUNAHAN!

0 295

Advertisers

MATAPOS ang isyu ng singitan, iniangat na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang klasipikasyon sa priority list para sa vaccination rollout ng pamahalaan ang mga gobernador, alkalde at mga punong barangay.
Nabatid kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, ang naturang adjustment ay kasunod nang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa kanyang rekomendasyon hinggil dito.
Ayon kay Densing na mula sa dating B3 lamang, o other essential workers, ay nasa A4 na ngayon, ang mga naturang lokal na opisyal sa priority list para sa vaccination rollout.
Ang A4 classification ay kinabibilangan ng frontline personnel sa essential sectors, kasama ang mga uniformed personnel at ang mga nasa working sectors na natukoy na essential o mahalaga sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).
“Sila po (local officials) ay considered nang A4. Noong Huwebes po ako mismo ang nagrekomenda sa IATF through the Recovery Cluster sa IATF na i-angat sila from B3 to A4,” ani Densing sa isang panayam.
Base sa prioritization ng pamahalaan, sila ay tatanggap ng COVID-19 vaccines matapos ang frontline health workers na siyang itinuturing na A1; indigent senior citizens na nasa A2; at ang natitira pang senior citizens at persons with comorbidities na nasa A3 classification naman. (Boy Celario)