Advertisers

Advertisers

Detainee nakatakas sa Biliran provincial jail

0 280

Advertisers

NAKATAKAS ang isang preso mula sa Biliran Provincial Jail sa Capitol Ground, Barangay Calumpang Naval, Biliran nitong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang preso na si Simeon Kumbate, 30 anyos, ng Sitio Lupa sa naturang barangay, na nahaharap sa kasong rape.
Napag-alaman na umakyat sa perimeter fence ng kulungan ang bilanggo kaya ito nakatakas.
Ipinagbigay-alam sa pulisya ng Jail Guard na si Donabelle Cuevas ang tungkol sa pagtakas ng preso at agad namang rumesponde ang awtoridad.
Nagsasagawa na ang Naval police ng manhunt operation para mahuli ang nakatakas na bilanggo.