Advertisers
Dahil sa pagkakasangkot sa illegal recruitment activities, personal na pinuntahan, at sinilip nina Usec. Atty Bernard P. Olalia, ng licensing and adjudication, at ni Atty Geraldine Mendez, Director ng Migrant Workers Protection Bureau(MWPB) ang Iwa Language Lerning Center na matatagpuan sa Unit 18 Twin Plaza Complex, KM. 42 McArthur Highway, Bulihan, Malolos, at Pio Cruscosa sa bayan ng Calumpit Bulacan.
Ayon kay Usec Olalia,una na silang nagpanggap na aplikante na kalaunan ay nakumpirma na mudos ng naturang learning center na makipag ugnayan sa travel o Man Power Agency na may permit sa Department of Migrant Workers, para sa pagtanggap.ng trabaho Abroad.
Partikular na itinuturo sa language training ang Japanese, Mandarin, Italian, French, Spanish, German, Korean, Russian, at Greek.
Nabatid na ka tie-up na agency na ito ang Sanko Language Employment Solutions Inc na matatagpuan sa Pasay, Metro Manila.
Tinatayang aabot ang training fee ng Japanese language course ay P15,888.00 para sa 150 hours, at P2,000.00 down payment, habang ang natitirang na balanse ay huhulugan o installments.
Nabatid na may face-to-face at online, mula Lunes hanggang Biyernes, sa loob ng 3 hanggang 4 na buwan
Kabilang sa hinahanap ng agency ang mga Factory Workers, Welders, Hotel Staff, at Fruit Pickers sa bansang japan na may pangakong sweldo na P 50,000.00 hanggang P70,000.00 depende sa kanilang trabaho.(Thony D. Arcenal)