Advertisers

Advertisers

KAS0 NI SONZA ‘DI BAILABLE, LILINAWIN SA KORTE

0 5

Advertisers

NAHAHARAP sa mas mabigat na usapin ang bete-ranong brodkaster na si Jay Sonza nang kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na may karagdagang kaso laban sa kanya sa ilalim ng Revised Penal Code, bukod pa sa cyberlibel.
Inaresto si Sonza Huwebes ng gabi, April 30, batay sa warrant of arrest na inilabas ng Pasay Regional Trial Court kaugnay ng pagpapakalat ng maling impormasyon, partikular sa isyu ng pekeng medical records ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon kay NBI Director, Atty. Melvin Matibag, dalawang kaso ang naging basehan ng pag-aresto: “Meron din violation sa revised penal code pero ‘yun nga dalawang kaso. ‘Yun ang ating naging basehan.”
Nilinaw rin ni Matibag na ang warrant of arrest may nakasaad na “not bailable”, nguni’t hindi pa ito nanga-ngahulugang pinal na desi-syon sa pagiging non-bailable ng kaso.
“From my point of view as a lawyer kailangan na may mga krimen na hindi bailable at may mga krimen dapat bailable. Liliwanagin natin ‘yan sa korte,” ani Ma-tibag.
Sa kasalukuyan, nakakulong si Sonza sa NBI detention facility at nakatanggap ng paunang medikal na atensyon matapos makaranas ng hirap sa paghinga, lalo’t may history siya ng asthma.
Sa panig ng depensa, nauna nang tiniyak ng abogado ni Sonza na si Atty. Mark Tolentino na kanilang babantayan ang bawat hakbang ng proseso upang ma-tiyak ang paggalang sa karapatan ng kanyang kliyente, lalo na bilang isang senior citizen.
Habang umuusad ang kaso, inaasahang magiging sentro ng pagdinig sa korte ang paglilinaw kung ang naturang kaso ay tunay ngang non-bailable, isang usaping may malaking epekto sa magiging kalagayan ng akusado sa mga susunod na araw.