Advertisers

Advertisers

Luistro, pinabulaanan ang akusasyon ni Rep. Pulong na tinakot mga Justice members na bumoto sa impeach Sara

0 4

Advertisers

MARIING itinanggi ni House Committee on Justice Chairperson Rep. Geville Luistro ang alegasyon ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte na tinakot ang ilang mambabatas na hindi mabibigyan ng pondo kung hindi susuportahan ang impeachment ni Vice Pres. Sara Duterte.

Kung babalikan ang naunang pahayag ng dating presidential son, tumatawag umano ang staff ng isang indibidwal sa mga chief of staff ng mga mambabatas upang hilingin sa kanila na bumoto para sa impeachment.

Kung hindi aniya tatalima ang mga mambabatas ay binabalaan umano ang mga ito na tatanggalin ang buong pondo para sa kani-kanilang distrito.



Sagot naman ni Rep. Luistro, wala itong katotohanan dahil siya mismo na umuupo bilang chairperson ay hindi rin nakatanggap ng tawag para impluwensiyahan siya sa kaniyang boto o sa kung paano niya hawakan ang pagdinig.

Maging ang mga miyembro ng Justice Committee na nasa ibang bansa ay nakiusap din umano sa kaniya na makaboto online.



Matatandaang 53-0 ang naging suporta ng Justice members sa impeachment case vs VP Sara.

Ayon kay Luistro, mas marami pa sana ang boto, kaysa sa 53 kung pinayagan ng komite ang online vote, ngunit nanindigan umano siya na hindi na ito magiging patas para sa mga dumalo mismo sa pagdinig.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">