Advertisers

Advertisers

AFP, dumistansya sa sundalong hitman na kinuha ni VP Sara

0 9

Advertisers

DUMISTANSYA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa posibleng pag-hire ni VP Sara Duterte ng sundalong hitman.

Matatandaang isa ito sa mga naging rebelasyon sa pagdinig ng House Justice Committee matapos talakayin ng komite ang naunang pagbabanta ni VP Sara laban kina Pang. Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sa naturang pagdinig ay ipinunto ng National Bureau of Investigation (NBI) na may posibilidad na kumausap talaga si VP Sara ng isang hitman mula sa kaniyang security protection na noo’y binubuo ng mga aktibo at retiradong sundalo, tulad ng nabanggit ng VP sa kaniyang banta.



Sa isang pahayag, binigyang-linaw ng AFP na ang naturang alegasyon ay hindi sumasalamin sa buong hanay ng militar.

Kasabay nito ay hiniling din ng AFP sa publiko na iwasan muna ang pagpapakalat ng mga ‘speculation’ hinggil sa posibleng pagkakadawit ng isang sundalo, habang wala pang pinal na resulta ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI.



Binigyang-diin ng hukbo na nananatiling tapat sa chain of command at propesyonal ang mga miyembro ng AFP.

Kung babalikan ay naunang binuwag ng AFP ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) noong nakalipas na taon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">