Advertisers

Advertisers

PBBM: Arawang sahod sa mga rehiyon, patuloy na nire-review

0 7

Advertisers

SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy-tuloy ang hakbang ng pamahalaan para itaas ang sahod ng mga manggagawa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Pahayag ng Pangulo, patuloy ang pagsusuri sa minimum wage sa iba’t ibang rehiyon upang matiyak na nakakasabay ito sa pang-araw-araw na gastusin.

Sa pamamagitan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards, nakapaglabas na aniya ng 89 wage orders mula Hunyo 2023 hanggang Abril 2026.



Kabilang dito ang umento sa sahod na epektibo ngayong araw sa Region X at Region XIII, kung saan nasa P500 at P475 na ang arawang sahod ng mga manggagawa.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na layon ng pamahalaan ang makamit ang disenteng sahod at mas maayos na kabuhayan para sa bawat Pilipino.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">