Advertisers

Advertisers

“NOT BAILABLE” NGA BA ANG NAKASAAD SA WARRANT NI JAY SONZA?

0 4

Advertisers

NAHAHARAP diumano sa mas mabigat na usapin ang beteranong broadcaster na si Jay Sonza matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na may karagdagang kaso laban sa kanya sa ilalim ng Revised Penal Code, bukod pa umano sa cyberlibel.

Inaresto si Sonza April 30, ng gabi batay sa warrant of arrest na inilabas ng Pasay Regional Trial Court, kaugnay ng umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon—partikular sa isyu ng diumano’y pekeng medical records ni Pangulong Marcos Jr.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, dalawang kaso ang naging basehan ng pag-aresto:

Nilinaw rin ni Matibag na ang warrant of arrest ay may nakasaad na “not bailable,” ngunit hindi pa ito nangangahulugang pinal na desisyon sa pagiging non-bailable ng kaso:

Sa kasalukuyan, nakakulong si Sonza sa NBI detention facility at nakatanggap ng paunang medikal na atensyon matapos makaranas ng hirap sa paghinga, lalo’t may history umano siya ng asthma.

Sa panig ng depensa, nauna nang tiniyak ng abogado ni Sonza na si Atty. Mark Tolentino na kanilang babantayan ang bawat hakbang ng proseso upang matiyak ang paggalang sa karapatan ng kanyang kliyente, lalo na bilang isang senior citizen.

Habang umuusad ang kaso, inaasahang magiging sentro ng pagdinig sa korte ang paglilinaw kung ang naturang kaso ay tunay ngang non-bailable—isang usaping may malaking epekto sa magiging kalagayan ng akusado sa mga susunod na araw.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com