Advertisers

Advertisers

HoR Committee on Justice: THERE IS PROBABLE CAUSE TO IMPEACH VP SARA ZIMMERMAN DUTERTE

0 254

Advertisers

TAGUMPAY ANG PAGDINIG NG KOMITE NI BATANGAS CONGRESSMAN GERVILLE “JINKY BITRICS” LUISTRO – ang mga katagang laganap ngayon sa mainstream at social media! Ang kanilang pasiya bilang kabuuan ng halos 4 na linggong pagdinig sa kung may sapat nga bang dahilan para ma-impeach si Sara Zimmerman Duterte, ang bise president ng Pilipinas na anak ng kontrobersyal na ex-presidente na si Rodrigo Roa Duterte.

Halos magkasabayan ang resulta ng HoR Committee on Justice sa “determination of probable cause to impeach Sara Duterte and the ICC’s result on their continuous hearing on the ex-president, her father, on the international criminal court’s jurisdiction over his case of massive killing in the furtherance of his war on drugs!”–DENIED! Sabi ng mga konserbatibong komento ng nilang kaklase ko nuong high school – – – Karma ang tumapat sa maling ginawa ng mag-ama, taumbayan na ang humusga sa kanilang kabuktutan at pagka-walang bahala sa buhay ng mamamayang Pilipino. Sa aming mga tapos ng high school sa Lepanto – Philippine College of Commerce ang ganitong mga ganap sa gobyerno ay di makakalampas dahil kami’y paaral ng gobyerno nang halos libre — 25 pesos sa buong taon … taun-taon nuong cerca ’60-’64. Di ko malilimutan ang pagaabot ng halagang pang matrikula ng tatay kong waiter nuon sa Selecta restaurant sa Azcarraga (ngayon ay CM Recto Avenue) tuwing bayaran na…installment kasi ang paraan dahil nga marami aming pinaaral ng aming tatay. Mura ang matrikula namin kaya normal lang na ibalik Kay Juan dela Cruz ang alab at pagmamahal sa bansa…at pagibayuhin pa— katumbas ng abang buhay!

Hindi sadyang lalampas sa mapanuring mamamayang Pilipino ang pagdinig ng komite ni Congressman Luistro, ang ipinagmamalaking sugo ng mamamayang Batangueno sa ikalawang distrito. “She is a reincarnation of the gentle but legendary Laurels of the province of Batangas – ” Sabi ni Koyang! TAGUMPAY nilang hinimay ang puno’t dulo ng mga anumalya ni Sara Duterte mula nang siya’y alkalde ng Davao City hanggang sa siya’y Kalihim ng Edukasyon, a working title outside of her being Vice President of the country.

Gayundin ang komento ng ilang kaklase ko sa ibang bansa: “Di kaya ma-Escudero kangaroo court din iyang pinaghirapan ni Luistro at ng mahigit na 50 miyembro ng Committee on Justice ng Kongreso?” ” Di kaya gumawa na naman ng mga kababalaghan itong si Marcoleta para ilihis na naman ang pagdinig sakaling humantong ang pagdinig sa Senado?” Ilan lang itong mga kumento na ating masusubaybayan matapos na ang proseso ay dumating sa PLENARY0 at pagbotohan ng lower house of Congress.

Si Antonio Trillianes, ang “villain” nuon na sa wari ng Duterte clan ay sagabal sa kanilang political domination, ay “vindicated” na ayon sa ilang political pundits. Sa malaking aspeto si Trillianes ang puso ng TAGUMPAY ng paglalahad sa publiko ng sandamakmak at sanlaksang bilyunes na nasa lukbutan ng mga Duterte, kasama na ang ilang banyagang personahe na luminya sa iligal na droga at sugal.

Sa kalagitnaan ng Mayo taon ito ay inaasahan ng sambayanang Pilipino ang isa na namang impeachment process — si Joseph Estrada ang naitalang kaunaunahang ama ng bansa na sumalang sa ganitong proseso! Goodbye Jose Velarde!

Kailan natin makikilala si Mary Grace Piattos? Mga Koyang kong tagasunod, tunghayan natin ang darating pang kaganapan na inaasahang katatapukan ni Congressmen Luistro, Leila de Lima, Abante, Chua, Ridon at Ilan pang gaganap bilang tagausig sa mga anumalya ni Sara Zimmerman Duterte na ni minsan ay di sumipot sa kabila ng anim na beses na imbitasyon sa pagdinig sa kanyang kaso. BINIGYAN KA NG SAPAT NA PAGKAKATAON NGUNIT IPINAGKIBIT-BALIKAT AT WINALANG-BAHALA MO, NAGING PATAS ANG MAMAMAYANG PILIPINO AT HININTAY ANG IYONG PALIWANAG – NAG TENGANG KAWALI KA LANG!