Advertisers
Swak na swak ang apelyido ng starting point guard ng LA Lakers. Smart kasi talaga ireng si Marcus.
Na- waive ng Washngton bago magsimula ang season kaya napunta sa Hollywood sa dalawang taong kontrata na may halaga lang na mahigit ng kaunti sa P10M.
Nagtagal si Smart sa Boston at doon nahirang na Defensive Player Of the Year. Kaso nang nagkaedad na ay na-trade sa Grizzlies bago napunta sa Wizards.
Sa Lakers ay krusyal ang papel sa opensa at depensa lalo na sa panahon na wala sa line- up sina Luka Doncic at Austin Reaves pati maging si LeBron James.
Mautak sa loob ng hardcourt at halata mong beterano lalo na sa dulo.
Siyempre may gulang din maglaro sa tagal na niya sa sport.
Pinakaklasik na halimbawa ay noong Game 3 ng unang round ng playoffs.
Yung lamang na anim na puntos ng Rockets sa huling 30 segundo nguni’t naipanalo pa nila sa overtime ay siya ang nagmaniubra.
Eka ni Tata Selo ay dapat kunin ng Smart Communications Inc si Marcus sa isang tv commercial kung magkampeon ang purple and gold.
Sakto sa brand ang pangalan! Hehe.
***
Ang pinpong ay isa sa game na pang-relaks ni Eugene Torre, kauna-unahang grandmaster sa Asya.
May letrato kasi na lumabas kung saan si Torre ay makikitang nakikpaglaro kay Jan Timman sa oras na wala silang sked sa 1982 Tiburg Interpolis Chess Tournament.
Si Timman ay Dutch na kaedad ni Eugene pero namatay na nitong Pebrero.
Ang Tiburg ay isang siyudad sa bansang The Netherlands.
***
Nakikiramay ang pitak na ito sa pagyao ng billiards patron na si Perry Mariano.
Tinambangan si Mariano at kanyang drayber sa QC area noong isang araw.
Marami siyang natulungan na naging kampeon ng mesa tulad nina Dennis Orcullo, Ronnie Alcano at Carlo Biado.
” Kung ano ako ngayon ay dahil kay Boss Perry, ” wika ni Biado.
“Sana mahuli agad ang pumatay sa kanya at kanyang tsuper, “dugtong ni Carlo.
Kaeskwela namin ni katotong Lito Cinco sa Paco Catholic School ang godfather ng Ph pool. Mas matanda lang siya ng ilang taon.