Advertisers
AWAY sa negosyo, ito ang nakikitang motibo ng Philippine National Police (PNP) sa pagpaslang sa negosyanteng si “Perry” Mariano at driver nito sa Timog Avenue, Quezon City noong Martes, Abril 28, 2026.
Ayon kay PNP Spokesperson, Brigadier General Randulf Tuaño, ang negosyanteng si Mariano ang target sa na-sabing krimen, posible ani-yang may naka-kumpetensya ito.
Nabatid na maliban sa pagiging billard icon, si Mariano ay nag-mamay-ari rin ng mga bar at mayroong hawak na mga Small Town Lottery (STL).
Samantala, nananatili paring dalawa ang suspek sa krimen.
Ayon pa kay Tuaño, maganda ang takbo ng imbestigasyon ng Special Investigation Task Group kaya nasa follow up operations na ang pulisya.
Kaugnay nito, patuloy na nakakatanggap ang pulisya ng mga tawag mula sa mga indibidwal na may impormasyon na inaasahang makakatulong para sa pagresolba sa krimen.