Advertisers
NASAWI ang isang supervisor ng Department of Education (DepEd) nang barilin habang naglalakad sa Alicia, Zamboanga Sibugay, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Rey Dalaota Camaingking, 45 anyos, DepEd District supervisor ng Ipil, Zamboanga Sibugay.
Sa report, 7:20 ng gabi nangyari ang pananambang sa port ng Sitio Guicam, Barangay Dawa Dawa, Zamboanga Sibugay.
Nabatid na naglalakad ang biktima patungo sa kanyang nakaparadang motorsiklo nang lapitan ng mga salarin at barilin. Nasapul ang biktima sa ulo na ikinasawi noon din.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay sa isang itim na Honda DRM patungo sa Barangay Kawayan, Alicia.
Nakakuha ang mga otoridad ng 1 basyo ng bala ng caliber .45 pistol sa pinangyarihan ng insidente.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.(Mark Obleada)