Advertisers

Advertisers

Covid update: 481 gumaling; 10 nasawi; 9,595 bagong kaso

0 305

Advertisers

MULING nakapagtala ang Department of Health (DOH) na napakataas na 9,595 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, Marso 27.

Samantala ay mayroon namang naitalang 481 na gumaling at 10 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 16.6% (118,122) ang aktibong kaso, 81.6% (581,161) na ang gumaling, at 1.85% (13,159) ang namatay.



Muling idinidiin ngayon ng DOH sa lahat ang pangangailangan ng karampatang pag-iingat upang maiwasan ang anumang uri o variant ng COVID-19.

Ang naitalang bagong kaso ngayong araw ay pangalawa sa pinakamataas na naitalang bagong kaso ngayong buong linggo kung saan kahapon ay nakapagtala ng 9,838 na bagong kaso ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)