Advertisers
PATULOY ang mataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease sa bansa kung saan ang Department of Health ay nakapagtala ng 9,475 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 22,000 na gumaling at 11 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 14.6% (105,568) ang aktibong kaso, 83.6% (603,154) na ang gumaling, at 1.82% (13,170) ang namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)