Advertisers

Advertisers

DOLE: Pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong trabahador tuloy!

0 231

Advertisers

TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tuluy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan para sa mga manggagawang matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ito ni Labor Sec. Silvestre Bello III kasunod na rin ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig lalawigan nito.

Ayon kay Bello, may sapat namang pondo para sa social amelioration sa mga apektadong obrero tulad ng mga OFW subalit bahagya lamang naantala dahil sa ilang aberya.



Samantala, sinabi rin ni Bello na magpupulong sila para sa isasagawang pag-iikot ng kanilang mga inspector sa mga work places habang umiiral ang ECQ sa NCR plus bubble.