Advertisers

Advertisers

‘EPAL’ NA OPISYAL NG DILG INUPAKAN!

0 316

Advertisers

UMANI ng malulupit na komento lalo na sa social media ang pagbabanta ni Department of Local Goverment (DILG) Undersecretary Epimaco Densing II sa local goverment units (LGUs) chiefs na sumasama sa pagbabakuna ng kanilang healthcare workers na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na nagtakda ng priority list sa mga dapat unahing bakunahan.

Karamihan ay nagalit kay Densing dahil ang mga mayor at healthcare workers ay pareho lamang na maituturing na frontliners na dapat ay mabakunahan din upang maproteksiyunan sa panganib ng virus (COVID-19) sa kanilang pagbibigay serbisyo-publiko.

Ang iba pa ngang netizens ay tinuran narin na dapat unahin din sa pagbabakuna bukod sa mayors at healthcare workers ang mga punong barangay at kung maaari ay pati narin ang kanilang mga barangay staff.



“Meron po tayong tinatawag na Barangay Health Emergency Response Team. Ang chairman po niyan ay ang ating mga kapitan katuwang ang kagawad na Chairman ng Committee on Health. Part po sila ng Barangay Contact Tracing Team,” post sa facebook account ni Margie Santos na isang opisyal sa Quezon City.

“Sila ang mga walang takot na pumupunta sa mga bahay ng mga COVID positive, first generation contatcs ng mga COVID positive at mga lockdown areas para magsagawa ng swab test,” paliwanag ni Santos. Dagdag pa niya, sa Quezon City ay limang barangay captains ang namatay sa COVID-19 dahil sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at pagharap sa panganib. Kaya dapat ay maisama sila at mga mayor sa mga agad mabakunahan.

Lalong nadiin ang pangalan ni Densing nang sitahin niya ang pagbakuna sa aktor na si Mark Anthony Fernandez at pinapanagot nito si Parañaque Mayor Edwin Olivares sa pangyayari dahil pagbigay ng “go signal” na bakunahan ang aktor.

Paliwanag ni Parañaque City Health Office chief, Dra. Olga Virtucio, walang paglabag ang kanilang LGU maging si Mayor Olivares dahil si Fernandez ay kabilang sa listahan ng may comorbidity, at kaya siya nabakunahan nang matapos nila ang kanilang healthcare workers at mayroong hindi nakapasa sa listahang susunod na mga taong dapat unang mabakunahan.

Paliwanag pa ni Dra. Virtucio, lalong walang pananagutan si Mayor Olivares dahil hindi naman ito sumingit o nagpaunang magpabakuna. Nakahanda raw silang humarap sa DILG kung kailangan ang kanilang paliwanag.



Kiniwestiyon din ng mga taga-Parañaque ang motibo ni Densing, na DILG undersecretary for operations, na halos sinasapawan na ang undersecretary ng local goverment sa paghahayag ng mga paglabag ng mga mayor sa programa ng bakuna ng pamahalaan.

Si Densing ay nakalaban at tinalo sa pagka-congressman ng Parañaque ni Olivares noong halaang 2010 at maaaring ito raw ang talagang agenda ng DILG official, ang mamolitika, dahil sa sarili nitong agenda na makakuha ng pwesto sa Parañaque.

Maging ang ibang alkalde sa mga lalawigan na pinapanagot ni Densing ay naghayag ng pagkadismaya sa pagpapel nito sa isyu ng pagbabakuna.

Sabi ni Mayor Noel Rosal ng Legazpi, Bicol, ang kanyang pangalan ay talagang nakalista sa priority list na siya pang kinumpirma sa kanya ng Deparment of Health Director sa kanilang probinsiya kaya siya nabakunahan matapos ang healthcare worker.

Nagbunga pa nga raw ng pagtaas ng tiwala ang pagbabakuna ni Rosal dahil pumalo sa 89 percent ng kanilang mga resident ang pumayag na, na sila ay mabakunahan.

Ganun din ang punto ni Tacloban City Mayor Alfred Romuladez at iba pang alkalde sa kabisayaan. Lahat sila, iisa ang dahilan – hindi para mauna kundi maipakita sa mga tao na makabubuti ang pagbabakuna dahil proteksiyon ito, lalo na ng mga may edad na, gaya rin ng mayors.