Advertisers

Advertisers

Ilang ospital ‘di nababayaran ng PhilHealth simula pa ng COVID-19 pandemic

0 186

Advertisers

ILANG ospital sa bansa ang hindi pa rin nakakatanggap ng bayad mula sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) simula nang magsimula ang pandemya ng COVID-19 noong Marso 2020.

Ayon kay Philippine Hospital Association (PHA) President Dr. Jaime Almora, dahil dito ay plano na ng mga naturang pagamutan na mag-aplay ng loan o mangutang para magkaroon ng pondo.

“Wala na silang pera, kahit ‘yung malalaking hospital. Kausap ko medical directors, nag-iisip humiram ng pera kasi mula noong magsimula ang COVID-19, marami sa kanila ang hindi pa nakakolekta ng bayad sa PhilHealth,” ayon kay Almora sa isang panayam.



Sinabi ni Almora na sa ngayon ay gumagawa na sila ng liham upang ipadala sa PhilHealth at hilingin dito na mabayaran sila.

“Gumagawa kami ng sulat ngayon. We are seeking a dialogue from PhilHealth,” aniya pa.

Ipinaliwanag ni Almora na kung hindi makakasingil mula sa PhilHealth ang mga naturang pagamutan ay hindi makakabili ang mga ito ng gamot laban sa COVID-19 at hindi rin nila mababayaran ang kanilang mga personnel.

Una na rin namang sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) na umaabot na rin sa mahigit P800 milyon ang utang ng PhilHealth sa kanilang tanggapan para sa di nabayarang COVID-19 tests. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">