Advertisers
KINALADKAD palabas ng bahay at binaril ang isang janitor ng ‘di pa nakikilalang salarin sa Quezon City, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Kerzie Gubat Sacramento, 26, binata, janitor, ng .22 Wood Poker St., Barangay Batasan, Quezon City.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 7:14 ng gabi (March 27) nang maganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima.
Sa imbestigasyon ni PSSgt. Bienvinido Ribaya III, ng CIDU-QCPD, nasa loob ng kanyang tahanan ang biktima nang pasukin ng ‘di pa nakilalang gunman at kinaladkadp ito palabas.
Nang nasa labas na ng bahay ay pinagbabaril ang biktima at mabilis na tumakas.
Isinugod pa sa Maclang Memorial Medical Center ang biktima subali’t namatay din.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.
(Ernie Dela Cruz)