Advertisers
POSIBLENG ma-extend ang ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus Bubble.
Ito ang sinabi ni National Security Adviser at CHaitman ng National Task Force against Covid-19 Delfin Lorenzana.
Ayon sa opisyal, bukas ang pamahalaan sa lahat ng options na kailangan upang labanan ang covid crisis kabilang na rito ang posibilidad na palawigin ang ECQ na epektibo hanggang Abril 4, 2021.
Dagdag pa ni Lorenzana, right timing na rin ang pagpapatupad ng ECQ dahil magsisibing “observation period” ito upang makita kung sapat ba ang isang linggo na lockdown para matigil ang pagkalat ng covid infection.
Gayunman, hihintayin ng IATF ang projection at recommendation ng health experts bago magdesisyon sa susunod na hakbang.
Ang Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal ay isinailalim sa ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 4 upang pabagalin ang pagkalat ng covid virus. (Jonah Mallari)