Advertisers

Advertisers

Highest record! 10,016 bagong kaso ng covid

0 400

Advertisers

TULUYAN nang sumampa sa 10,016 ang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Marso 29.

Samantala ay mayroon namang naitalang 78 na gumaling at 16 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 15.8% (115,495) ang aktibong kaso, 82.4% (603,213) na ang gumaling, at 1.80% (13,186) ang namatay.



Sa nagpapatuloy na pagsirit ng kaso sa bansa, muling nanawagan ang DOH sa lahat na kailangan ang ating pagkakaisa upang mapigilan ang tuluyang pagakalat ng COVID-19.

Ipagpatuloy at paigtingin ang ating pag-iingat upang mailigtas ang bawat isa mula sa peligro ng sakit.

Maigi rin umano manatili na lamang sa bahay ngayong Semana Santa at tiyakin naman ang pagsunod sa health safety protocol kung sakaling may mahahalagang bagay na gagawin sa labas ng bahay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)