Advertisers
KINUMPIRMA ni Defense Secretary at Chairman ng National Task Force Against Covid 19 Delfin Lorenzana na makakatanggap ng cash aid ang mga dating beneficiaries ng social Amelioration Program (SAP) na naunang nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan noong unang beses na ipinatupad ang Enhanced Community quarantine (ECQ) sa nakalipas na taon.
Ayon kay Lorenzana, pinag-aaralan pa nila ang isang libo hanggang tatalong libong piso ayuda para sa mga apektado sa isang linggong Lockdown.
Ang mga beneficiaries ng bagong round ng cash aid ay ang mga dati na ring nakakuha ng SAP.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na makakatanggap ng ayuda ang mga apektado mula sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal. (Jonah Mallari)