Advertisers
Binawian ng buhay ang isang babae sa pamamaril sa Cotabato City.
Kinilala ang biktima na si Noralyn Teodoro, 32-anyos, dalaga, at residente ng Barangay Poblacion 6 Cotabato City.
Ayon sa ulat, naglalakad lamang ang biktima sa bahagi ng purok Paraiso Barangay Rosary Heights 7 Cotabato City ng pagbabarilin ito ng mga hindi kilalang salarin gamit ang kalibre.45 na pistola.
Naisugod pa sa pagamutan ang dalaga ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan.
Sa ngayon, blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.