Advertisers
BUMABA sa bilang na 8,355 ang karagdagang kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH), nitong Lunes ng hapon, Abril 5.
Samantala ay mayroon namang naitalang 145 na gumaling at 10 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 17.9% (143,726) ang aktibong kaso, 80.4% (646,237) na ang gumaling, at 1.67% (13,435) ang namatay.
Ang pagbaba ng bilang ng kaso nitong Lunes ay dahil sa nabawasang laboratory operations noong nakaraang holidays, at hindi agad nangangahulugan ng pagbabago ng trend na naobserbahan sa mga nakaraang araw.
Mula sa 239 licensed laboratories, tanging 219 laboratories lang ang nagsagawa ng tests noong April 1, 207 noong April 2, at 216 noong April 3. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)