Advertisers

Advertisers

Bilyon-bilyon piso nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa ECQ

0 233

Advertisers

AABOT umano sa bilyon-bilyong piso ang mawawala sa ekonomiya dahil sa pinalawig na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus.

Ito ang kinumpirma ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Saad ni Sergio Ortiz-Luis Jr. ECOP President, bahagya lamang ang magiging epekto ng ECQ sa ekonomiya noong nakaraang linggo dahil sa Holy Week.



Ngunit ngayong pinalawig pa ito ng isa pang linggo, aabutin ng bilyon ang halaga ng mawawala sa ekonomiya.

Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang pagpapatupad ng dalawang linggong ECQ ay magreresulta ng pagkawala ng P2.1-B sa ekonomiya ng bansa. (Josephine Patricio)