Advertisers

Advertisers

DOTR nagbabala vs mga kolorum na sasakyan

0 173

Advertisers

NAGBIGAY ng babala si Transportation Secretary Arthur Tugade laban sa mga operator ng mga kolorum na sasakyan.

Ito ay kasunod ng pagkakahuli sa anti-colorum operations sa 12 bayan at lungsod sa Bicol Region.

Iginiit ni Tugade na mabibigo ang laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung patuloy na nilalabag ang quarantine protocols kaya’t mas mabuting isantabi muna ang pansariling interes para isalba ang maraming buhay.



Kaugnay nito, naglagay na ang Bicol Inter-Agency Task Force (BIATF) ng regional border control papasok ng Bicol kung saan ibinalik ang checkpoints sa mga nasabing lugar dahil sa pagdami ng mga taong tumatawid sa border ng probinsya na gustong makaiwas sa epekto ng enhanced community quarantine. (Josephine Patricio)