Advertisers

Advertisers

P6K clothing allowance ng mga titser at empleyado makukuha na

0 238

Advertisers

MAKUKUHA na ng mga teaching at non-teaching personnel ng public schools ang P6,000 na clothing allowance ngayong Abril.

Sinabi ng Department of Education (DepEd), inaprubahan na nila ang bagong sets ng “national uniform design.”

Magiging epektibo ito sa School Year 2022 hanggang 2023.



Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Anne Sevilla, ipapatupad ang nasabing uniporme sa taong 2022 para mabigyan ng sapat na oras ang mga empleyado ng kanilang bagong uniporme.

Hindi naman binanggit ng DepEd kung magkano ang halaga ng nasabing uniporme.

Gagamitin ito mula Lunes hanggang Huwebes habang sa Biyernes ay susuotin lamang ang mga office attire.