Advertisers
INIREKOMENDA ng Department of Justice (DOJ) na patawan na lamang ng community services ang mga naarestong lumalabag sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus bubble.
Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, ito ang naging rekomendasyon niya nang makipagpulong sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Management of Emerging Infectious Diseases.
Magiging magaan daw ang community services dahil sa maraming mga mamamayan ang hirap kumita bunsod ng kawalan ng trabaho kaysa pagbayarin ang mga violators ng multa.
Umaasa naman ang kalihim na mapapakinggan ng mga alkalde ang kaniyang rekomendasyon.