Advertisers

Advertisers

NCR Plus maari na isailalim sa MECQ sa susunod na linggo – OCTA

0 223

Advertisers

MAARI nang isailalim sa Modified Enhanced Community quarantine (MECQ) sa susunod na linggo ang NCR Plus Bubble kung patuloy na bababa ang reproduction rate.

Ayon kay Prof. Guido David ng Octa Research Team, dahil sa ECQ ay bumaba na sa 1.53 ang reproductuon rate,ang ibig sabihin nito ay hindi na masyadong mabilis ang pagkahawahan ng mga tinatamaan ng covid.

Gayunman, kailangan pa umano itong mapababa ng 1.2 upang maibaba na sa MECQ ang quarantine classification.



Magugunitang bago pa ipatupad ang ECQ sa NCR Plus bubble areas ay una nang inirekomenda ng OCTA research na magpatupad ng MECQ upang mapabagal ang pagkalat ng covid infection.

Tiwala naman si Guido na mapapababa sa 1.2 ang reproduction rate upang hindi na kailanganin pa na palawigin ang ECQ.

Ang NCR plus bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan ay nasa ilalim ng ECQ hanggang Abril 11. (Jonah Mallari/Andi Garcia)