Advertisers

Advertisers

Jennica inamin, may pinagdaraanan ang relasyon sa mister na si Alwyn

0 248

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MATAPOS mag-post noon ni Jennica Garcia na binago na niya ang kanyang Facebook social media page na Jennica Uytingco to Jennica Garcia, marami na ang nagsapantaha na merong pinagdaraanang marital crisis sila ng asawang si Alwyn Uytingco.

Naging masidhi pa ang suspetsa ng mga kate-katera nang i-unfollow nito si Alwyn at tanggalin ang photos nito sa kanyang IG account.



Dahil dito, hindi na tinantanan ang showbiz couple na umanoý on the rocks ang marriage.

Ikinaintriga rin ng ilan nang muling humarap sa kamera ang aktres nang lumabas siya sa isang show sa TV5.

Matatandaan kasing kahit may blooming career noon sa GMA-7, tinalikuran ni Jennica ang kanyang karera nang mapangasawa niya si Alwyn at nagpokus siya bilang isang dutiful wife.

Kamakailan naman, nag-post si Jennica ng makabagbag-damdaming sulat sa kanyang mga anak na inamin niya na meron siyang pinagdadraanan.

Naging viral ang post na ito na ngayon ay pinagpipiyestahan ng kibitzers.



“Athena and Severina, know that Nanay has no regrets. Yes, I get scared when I think about the coming months and years because this is not how I planned the two of you to grow up. But despite the heartache I am going through, I am able to keep the Joy in my heart and will continue to praise God with every cry,” aniya.

“Because even if my plans have failed, I know that our loving Father’s plan for us is always good. His decision to allow this to happen in our life is not to destroy us. Never to destroy us mga anak. Instead of sadness, let’s rejoice because God is close to the brokenhearted,” dugtong niya.

Ani Jennica, naniniwala siyang balang araw ay masasagot ang lahat ng kanyang mga katanungang bumabagabag sa kanya.

As of this writing naman, wala pang pag-amin sa alin mang kampo nina Jennica at Alwyn tungkol sa umanoý pagkakalabuan ng kanilang relasyon.

Marami namang followers nila ang nagdarasal na maayos ng mag-asawa ang kanilang gusot para na rin sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Wala pa ring matumbok kung pinansyal o third party ang dahilan sa umanoý krisis na pinagdaraanan ng dalawa.