STOP!

DOH, FDA sinuspinde ang pagbakuna ng AstraZeneca sa seniors may nega na epekto

118

SINABI ng Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) na pansamantalang ipapatigil ang pagtuturok ng bakunang AstraZeneca para sa mga indibidwal na may edad na mas mababa sa 60-anyos.

Kasunod na rin ito ng ulat na may ilang kaso ng nakaranas ng pamumuo ng dugo o blood clots na may mababang platelet sa mga nabakunahan nito.

“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the AstraZeneca vaccine. While we have not seen such incidents in the country, the FDA has recommended to temporarily suspend the use of the vaccine for persons below 60 years old as we await results of the review being done by our local experts, as well as the official guidance of the WHO [World Health Organization],” pahayag ni FDA director general Eric Domingo.

“We asked DOH na kung meron pa pong natitirang AstraZeneca vaccines siguro ay ‘wag muna nating gamitin sa mga people below 60 years old until we get clearer evidence and guidance from WHO tsaka sa atin pong mga experts,” aniya pa.

Kinumpirma naman ni Domingo na naubusan na ang bansa ng suplay ng AstraZeneca vaccines, ngunit ang susunod na batch aniya nito ay inaasahang darating sa bansa sa loob ng isang buwan.

Tiniyak din naman ng DOH at FDA sa publiko na masusing pinag-aaralan na ng mga eksperto ang mga impiormasyon kaugnay sa mga pangyayaring ito upang makagawa ng nararapat na rekomendasyon sa paggamit ng nasabing bakuna.

Sa kasalukuyan, hindi pa nakatatanggap ng anumang ulat hinggil sa side effects ng nasabing bakuna ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC).

Gayundin, siniguro ng DOH and FDA na masusing binabantayan ang rollout ng bakuna upang matukoy at agad na aksyunan ang anumang posibleng masamang epekto o adverse effects nito.

Paglilinaw naman ni Domingo, ang naturang suspensiyon sa pagbibigay ng AstraZeneca ay hindi nangangahulugan na hindi ligtas o hindi mabisa ang naturang bakuna. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.