Advertisers

Advertisers

KOREANO NA UMESKAPO SA PROVINCIAL JAIL, ARESTADO NG BI-FSU

0 3

Advertisers

INARESTO ng Bureau of Immigration-fugitive search unit (BI-FSU) nitong Hunyo 18 ang isang South Korean national na wanted matapos tumakas mula sa kulungan sa Leyte.

Sa kanyang ulat, kinilala ni FSU chief Rendel Ryan Sy ang suspect na si Gim Sihun, 31, na kanilang inaresto sa Doña Julia Vargas Avenue sa Mandaluyong.

Ayon kay Sy, ang operasyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police Intelligence Group (PNP-IG).

Tinapos umano ng operasyon ang tatlong taong pagtatago ni Gim, matapos itong makatakas mula sa Sub-Provincial jail sa Brgy. Loyonsawang, Abuyog, Leyte noong 2023.

Bago mahuli, nakalista na umano ito sa ‘top ten Korean escapees’ na prayoridad ng South Korean government.

Naisyuhan ito ng active warrant of arrest ng Seoul Central District Court para sa kasong fraud at mayroon din itong summary deportation order na inilabas noong 2020, dahilan upang siya ay i-classify bilang ‘undesirable alien’ dahil sa kanyang estado bilang fugitive.

Si Gim ay nakadetine sa BI holding facility kung saan siya manantili bago ang deportation. (JERRY S. TAN)