Advertisers
Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na sangkot sa pagdukot at panggagahasa ng menor de edad .
Sa ulat, dinukot umano ng suspek ang 4 na taong gulang na babae at dinala sa Tambo, Parañaque .
Ayon sa MPD, iniwan ng suspek ang bata sa nasabing lugar at nang tangkaing kunin ang gamit na motorsiklo, namataan ito ng mga operatiba sa follow up operation sa Maynila kaya agad itong naaresto.
Bago ito, nasangkot na rin umano ang suspke sa 2 kaso ng pagdukot at panggagahasa sa isang 8 at 7 taong gulang sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon
Nasundan pa ito ng isa pang insidente sa lungsod ng Pasay.
Iniharap na rin ang suspek kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso. (Jocelyn Domenden)