Advertisers

Advertisers

DEREK RAMSAY, ‘BUYER IN GOOD FAITH’ AT WALANG KINALAMAN SA PAG-ANGKAT NG KONTROBERSYAN NA PORSCHE — NEPOMUCENO

0 10

Advertisers

INIHAYAG ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na ang aktor na si Derek Ramsay ay ‘buyer in good faith’ at walang kinalaman sa pag-import ng kontrobersyal na ‘supercar’ na ini-impound dahil sa pekeng plaka at aniya, isang warrant of seizure and detention (WSD) ang nakatakdang ilabas ng ahensiya patungkol sa sasakyan dahil sa di tamang buwis, na magbibigay-daan upang mapapunta sa gobyerno ang kotse at maipa-subasta ito.

Ayon kay Nepomuceno, ang dapat na P50 hanggang P100 milyong halaga ng sasakyan -Porsche 918 Spyder na mula United Arab Emirates- ay idineklarang P10 milyon lamang, kaya’t kakasauhan ng ‘smuggling’ ang nag-import nito.

Sinabi umano ni Ramsay na nakailang pasa na ang sasakyan sa loob ng apat hanggang apat at kalahating taon, mula nang una niya itong ibenta at wala umanong kinalaman si Ramsay sa pag-import nito at ani Nepomuceno, ‘malay niya (Ramsey) kung paano ito napasok sa bansa.

Matatandaang nag-ugat ang lahat sa pagkakahuli sa negosyanteng si AJ Violago, habang minamaneho ang naturang kotse na na may pekeng plaka. Si Ramsay ang nakarehistrong may ari ng kotse kahit naibenta na niya ito.

Noong August 13, 2026, nag-isyu ang LTO ng Show Cause Order at noong August 17, ang sasakyan ay isinurender sa LTO at na-impound. Humarap ang driver sa LTO at nagsumite ng sagot, isinuko ang driver’s license, at inilagay ito sa ilalim ng 90-day preventive suspension.

Habang may imbestigasyon, humingi ng tulong ang LTO sa BOC upang suriin ang records ng sasakyan at doon na nakita ang ilang discrepancies sa mga entriesng vehicle importation.

Sinabi ni Nepomuceno na ikakasa na ang preliminary investigation at pagpapaliwanagin din ang importer, consignee at mga tauhan ng BOC at LTO na sangkot sa transaksyon.

‘Misdeclared’ umano ang sasakyan nang ipasok sa bansa noong 202, kung saan sa halip na Porsche 918 Spyder ay ­Porsche Boxster ang pagkaka-deklara dito, habang ang import entry at certificate of payment na isinumite sa LTO ay kuwestiyonable din.

Kaugnay pa din niya na ang dapat na P35 milyong buwis ay naging P1.8 milyon lamang. na idineklarang nabayaran noong 2021.

Sa pamamagitan ng WSD, ang sasakyan ay dadaan sa kaukulang proseso at sa oras na mapatunayang may mga paglabag sa deklarasyon at pagbayad ng tamang buwis ay kukumpiskahin na ito bilang pag-aari ng gobyerno at isusubasta.

Inaalam din umano ng LTO kung paano nakakuha ng mga dokumento at rehistro ang sasakyan, kahit may nakitang problema sa dekla­rasyon nito sa Customs at ayon kay LTO Chief Marcus Lacanilao, lahat ng responsableng tauhan ng ahensya ay papanagutin.

“The findings case serves as a reminder of the importance of continuous system modernization and stronger safeguards against potential irregularities. Ang ganitong modus ay nangyari sa ilalim ng lumang sistema. Sa pamamagitan ng eCP at mas mahigpit na koordinasyon sa LTO, mas nagiging mahirap ang mga ganitong iregularidad. Muli, ang full automation ang pangmatagalang solusyon upang tuluyang matigil ang maling kalakarang ito,” saad ni Nepomuceno.

“The BOC is further investigating the matter for possible violation of Section 1400 of Republic Act No. 10863, or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Nagpapasalamat kami sa LTO, sa pangunguna ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, for their prompt action and close coordination with the Bureau. Their cooperation enabled us to immediately verify the relevant Customs records and take the appropriate next steps. The BOC remains committed to working closely with the LTO to ensure that our laws are properly enforced, government revenue is protected, and due process is observed,” dagdag pa ni Nepomuceno. (JERRY S. TAN)