Advertisers

Advertisers

“Comeback”: Bumalik sa City Hall si Julius Leonen bilang boses ng Maynila

0 5

Advertisers

Muling hinirang si Julius Leonen bilang public information officer ng Lungsod ng Maynila nitong Martes.

Ang nasabing posisyon ay hindi na bago kay Leonen dahil dati na niyang hinawakan ang parehong posisyon noon unang termino ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso bilang ama ng Maynila.

Ngayon, nagbabalik si Leonen sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Bago bumalik sa PIO, nagsilbi muna si Leonen bilang assistant chief of staff.

Pinalitan niya si E-jhay Talagtag, na umalis na sa Manila PIO at sa city government mula pa noong Hulyo.

May national government experience din si Leonen.

Noong 2024, itinalaga siya ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang Director III ng PCO at kalaunan ay naging assistant secretary hanggang 2025.

Pinamunuan niya noon ang Integrated State Media News Operations sa ilalim ng Strategic Communications Cluster ng PCO.

Ibig sabihin balik sa lokal si Leonen— mula Malacañang papuntang City Hall — para muling humawak ng komunikasyon at impormasyon ng Maynila. (Jocelyn Domenden)