Advertisers
Nagsasagawa na ngayon ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad ng Batangas Police Provincial Office kasabay ng pamamaril at pagpaslang ng dalawang hindi pa kilalang salarin na riding in tandem sa isang babaeng negosyante na nagbabalak umanong tumakbo bilang Barangay Chairwoman sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election na nangyari sa tapat ng kanyang meat shop nuon madaling araw ng Miyerkules June 24, 2026 sa Barangay San Roque, Sto. Tomas City, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Evelyn Gonzales, 53, residente ng Barangay San Pedro sa kaparehong lungsod.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Santo Tomas Component City Police Station bandang alas-4:20 ng madaling araw habang nag-aasikaso ang biktima sa kanyang meat shop nang dumating ang dalawang armadong lalaki na sakay ng isang motorsiklo nakita rin sa kuha ng CCTV na bumaba ang backrider at apat na beses na pinaputukan ang biktima ng malapitan at agad binawian ng buhay bago mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Barangay San Miguel.
Ayon pa sa pulisya ang isa sa mga suspek ang nakasuot ng itim na T-shirt, shorts at pulang helmet, habang ang kasama nito ay nakasuot ng berdeng T-shirt, pantalon at itim na helmet
Nagpapatuloy ang follow up investigation ng pulisya sa pamamagitan ng forward at backtracking sa mga CCTV malapit sa lugar at inaalam na rin ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin sa pamamaslang.(Koi Laura)