Advertisers
HINDI na tayo magtataka kung biglang mapabalita na sinampahan ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ng sandamakmak na kasong “cyberlibel” ang isang “blogger” na halatang sanay maghabi ng pantasya upang kahit paano ay mapansin at pagkaperahan ang kanyang mga kasinungalingan.
Marahil, hindi alam nitong si “Vicente” na mahilig “magtatalak” sa kanyang social media page, na dating reporter sa ABS-CBN si Comm. Ariel bago napasok sa gobyerno kaya alam niya ang trabaho ng isang responsableng mamamahayag?
At tulad ng karamihan, sa lahat ng ayaw niya—at nakahandang patulan—ay mga “jukebox reporters” na kapag nahulugan ng barya ay “tutugtog” ng “awit” na gusto ng nagbayad sa kanya.
Eh mabuti sana kung “hombre” o tunay na lalaki itong si Vicente dahil ang pagkaalam natin, isa itong “baklita” o “siyoke” na dati ring ‘entertainer’ sa Japan at umuwi na lang para dito naman “maghasik ng lagim” sa social media gamit ang kanyang mga hinabing intriga.
Ayon naman sa ilang mga responsableng “bloggers” sadyang mahilig magpalapad ng papel itong si Vicente at kinakaladkad pa sa pusali ang pangalan ni FLAM at BBM,
Eh, alam kaya niyang “personal choice” ni BBM at FLAM si Comm. Ariel para pamunuan ang Customs upang matuldukan na ang mga katiwalian sa pantalan?
Kung totoo ang tsismis na “nakatabo” sa Palasyo itong si Vicente, abah, sister, ayy, brother, baka mawalan ka ng ‘sideline’ sa mga upak mong sablay dahil si BBM ang “binabanatan” mo. Pumasok ba sa utak mo ‘yan?
Maliban na lang kung totoong malaki at regular ang “karga” sa iyo ng isang dating opisyal sa Aduana na hindi pa rin matanggap na sinibak siya ni Comm. Ariel noong isang taon?
At kung hindi mo pa alam Vicente, itong “padrino” mo ay nasibak kahit ipinagyabang na “malapit” siya kay FLAM kaya hindi puwedeng “pitikin” ng kahit sino man dahil sa sandamakmak na katiwalian.
Ayaw mo rin ba sa katiwalian? Eh, banatan mo ang “kumausap” sa iyo para naman maniwala ang mga miron na gusto mo talaga ng daang matuwid.
Dito naman sa dating ex-BOC official, abah, bosing, hindi ka pa natuwa na sa halip ibuyangyang ni Comm. Ariel ang tunay na dahilan kaya wala ka na sa puwesto, eh, pinag-resign ka na lang para mayroon ka namang ‘graceful exit’ at hindi mapahiya ang iyong pamilya?
Hinihintay na lang natin ang kopya ng reklamo ni Comm. Ariel bago natin ibisto kung sino ba itong si Vicente Talakera sa social media kaya… Abangan!