Advertisers

Advertisers

CHI ATIENZA, TOP 3 VICE MAYOR SA PINAS!

0 8

Advertisers

Kinilala si Manila Vice Mayor Chi Atienza bilang isa sa mga nangungunang lokal na lider sa bansa matapos mapasama sa Top 10 Outstanding Vice Mayors in the Philippines sa ginanap na Gawad Pilipino Awards sa AFP Commissioned Officers Club House, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kinilala ng pambansang parangal ang mga lokal na presiding officer at mambabatas na nagpapakita ng mahusay na pamamahala, mga batas na nakatuon sa pangangailangan ng komunidad, at maagap na paglilingkod sa publiko.



Kinilala rin si 4th District Councilor Eunice Ann Denice Castro bilang isa sa mga Outstanding Councilors sa bansa, na nagpapakita ng sama-samang pagkilos ng 13th Manila City Council.

Sa kanyang pahayag, inialay ni Atienza, na kasalukuyang nasa unang taon ng pamumuno sa 13th Manila City Council, ang pagkilala sa mga Manileño.



“Maraming, maraming salamat po sa Gawad Pilipino Awards sa pagkilalang ito bilang 3rd Outstanding Vice Mayor in the Philippines. Sobrang laking bagay po nito para sa akin, pero higit sa lahat, para po ito sa ating minamahal na lungsod dahil hindi ko po ito magagawa nang mag-isa,” ani Atienza.

Dagdag niya, katuwang niya ang buong pamahalaang lungsod, ang City Council, at si Mayor Isko Moreno Domagoso na nangunguna sa mga programang direktang nakatutulong sa mga mamamayan.



Ayon kay Atienza, magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ito upang lalo pa niyang pagbutihin ang kanyang tungkulin bilang Presiding Officer ng 13th City Council at maipasa ang mas progresibong mga hakbang para sa lungsod.

Samantala, muling tiniyak ng Office of the Vice Mayor ang patuloy na koordinasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaang lungsod.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Isko, layunin ng konseho na pabilisin ang pagpapatupad ng mga ordinansang nakatuon sa kalusugan, kapakanang panlipunan, at kabuhayan ng mga komunidad.(BP)