Advertisers
BUMULAGTA ang isang babaeng Marine nang pagbabarilin ng mister na isa ring Marine sa loob ng Marine Base Arturo Asuncion sa Zamboanga City noong Martes, Hunyo 23.
Kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Julie Ann Arsaga Santillan, liaison officer ng Field Artillery Battalion.
Batay sa imbestigasyon, binaril ang biktima ng kanyang mister si Staff Sgt. Dante Nunal Santillan, miyembro ng 18th Marine Company sa Zambales, gamit ang kanyang service firearm Glock 9mm nang magtalo hinggil sa problema sa pananalapi.
Matapos ang insidente, binaril din ni Dante ang sarili ng tatlong beses—dalawang tama sa katawan at isa sa ulo na nagawa pang makaligtas sa kamatayan.
Isinugod sa ospital si Julie nguni’t idineklarang dead on arrival. Dinala rin sa ospital si Dante pero binawian din ng buhay Miyerkules ng umaga, Hunyo 24.
Patuloy pa ang imbestiga-syon ng mga awtoridad sa insidente.