Advertisers

Advertisers

10 timbog sa P12m ‘paihi’ sa Navotas

0 2

Advertisers

ARESTADO ang 10 kalalakihan at nakumpiska ang nasa P12 milyong halaga ng petroleum products, mga kagamitan, at transport assets sa illegal fuel trading activity sa Navotas City, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ng PNP na inilunsad ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region Field Unit Lunes ng gabi, Hunyo 22.
Naharang ng puliya ang oil tanker at kagamitan na gina-gamit sa isang hindi awtorisadong paglilipat ng langis na kilala sa tawag na “paihi”.
Nakuha ang malalaking volume ng hinihinalang diesel fuel, transport vehicles, motorized boats, siphoning equipment, at operational buy-bust money.
Ang mga naarestong indibidwal ay nasa edad 20 hanggang 58 anyos, na nahaharap sa kaukulang reklamo.
“Hindi lamang ito usapin ng paglabag sa batas. Kapag may iligal na kalakalan ng produktong petrolyo, naaapektuhan ang kabuhayan, kaligtasan, at tiwala ng publiko. Kaya patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa mga gawaing nagpa-pahina sa kaayusan at patas na kalakalan sa ating bansa,” sinabi ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr.
“Patuloy nating ipatutupad ang batas nang may integridad, malinaw na proseso, at paggalang sa karapatan ng bawat isa. Ang maha-laga ay napapanagot ang mga lumalabag habang nananati-ling tapat tayo sa ating tungkulin bilang lingkod-bayan,” dagdag pa niya.