Advertisers

Advertisers

VP Sara handang sumailalim sa lie detector test

0 28

Advertisers

HANDA si Bise Presidente Sara Duterte na sumailalim sa lie detector test o polygraph test matapos siyang hamunin ni Gracioso na isailalim ang sarili sa naturang pagsusuri.

Ayon sa Bise Presidente, wala siyang problema sa pagsasagawa ng lie detector test, basta’t maipakita rin sa publiko ang resulta ng test na sinasabing isinagawa kay Gracioso.

Aniya, si Gracioso mismo ang nag-angkin na pumasa siya sa naturang pagsusuri kaya nais niyang makita at maipakita sa publiko ang resulta nito.



Iginiit din ni VP Duterte na hindi agad-agad lumalabas ang resulta ng lie detector test. Aniya, kung isasagawa ang pagsusuri ngayong araw, hindi nangangahulugang makukuha na agad ang resulta kinabukasan dahil kailangan pa itong suriin at basahin ng eksperto.

Sumailalim sa lie detector test si Gracioso sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Miyerkules, Setyembre 30.



Isinagawa ang pagsusuri kaugnay ng kanyang pahayag na umano’y naghatid siya ng mga maleta na naglalaman ng pera sa pamilyang Duterte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">