Advertisers

Advertisers

PNP, muling inimbitahan si VP Sara para maglabas ng ebidensya sa banta sa buhay

0 11

Advertisers

MULING hinimok ng Philippine National Police (PNP) si Vice President Sara Duterte na magsumite ng mga dokumento at ebidensya kaugnay ng umano’y banta sa kaniyang buhay.

Ang pahayag na ito ng PNP ay kasunod ng paratang ng bise presidente na may lima umano siyang documented threats, kabilang ang mga miyembro ng OVP at maging ang kaniyang pamilya na nagmula umano sa mga tauhan ng PNP.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., siniseryoso nila ang ulat tungkol sa mga banta kaya hinimok niya ang bise presidente at ang kanyang opisina na magsumite ng pormal na reklamo.



Nabatid na iginiit ng bise presidente ang umano’y harassment matapos ihayag ng PNP na wala namang naganap na rescue operation sa dating staff ni VP Sara, sa kabila ng pahayag ng kampo nito na may nanggigipit umano sa nasabing tauhan.

Ayon sa PNP, nang matanggap ang paghingi ng saklolo ng mga legal counsel nito, agad nilang pinuntahan ang lugar kung saan umano nakapiit ang dating staff at apat na indibidwal noong November 17.



Gayunman, nagpakita naman umano ang limang indibidwal at hindi na rin nagsumite ng pormal na affidavit na sana ay pagmumulan ng imbestigasyon ng pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">