Advertisers
IBINALIK ni Samchan Foreign Exchange Corp. President Felicito Guevarra ang P343 milyong kita mula sa mga transaksyong sangkot si dating House Speaker Martin Romualdez, ayon sa Office of the Ombudsman nitong Lunes, Nobyembre 23.
Aniya, ang mga transaksyon ay dumaan sa pamamagitan ng dating aide ni Romualdez na si Jocelyn Sereno.
Ayon sa prosekusyon, si Guevarra ay tetestigo na si Sereno, na napaulat na naghatid ng mga maleta ng pera sa kanya, ay nagpakilala bilang staff member ni Romualdez.
Matatandaan na humiling ang mga prosecutor sa Sandiganbayan Third Division na alisin si Guevarra bilang co-accused ni Romualdez sa kasong plunder sangkot ang P7.4 bilyong kickback scheme sa infrastructure projects ng pamahalaan.