Advertisers
SA pag-testify ng executive director ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na si Atty. Ronel Buenaventura sa Impeachment Trial sa Senate Impeachment Court laban kay Vice President Sara Duterte nung Lunes (Oktubre 5) at nitong Martes (Oktubre 6), napatunayan ang lahat ng mga naging expose ni dating Senador Antonio Trillanes tungkol sa mga tagong yaman at kaugnayan sa isang “drug lord” ng pamilya Duterte.
Sabi nga ng tagapagsalita ng prosekusyon na si Atty. Jay Tolosa, ang opisyal na AMLC disclosures ay kumumpirma sa akusasyon ni Trillanes na nakatanggap ang Cale88 Foods Corporation, ang kompanyang iniuugnay sa mister ni VP Sara na si Mans Carpio, ng P319.3 millon mula sa Chinese government.
Sa pagkalkal naman ni Senator-Judge Risa Hontivero sa kakayahan ng Cale88, natuklasan niyang karamihan sa mga kumpanya na nagpadala ng pera rito ay Chinese state-owned enterprises.
“Tiningnan ng opisina ko ‘yng mga binanggit na kumpanya kahapon (Lunes), at lumalabas na ilan sa mga nagpadala ng pera sa Cale88 ay mga Chinese state-owned enterprises.”
Tama si Trillanes!
Sabi naman ni Senate President/Senator-Judge Win Gatchalian, ang Cale88 ay mayroong P776 million inflow pero ang paid-up capital ay P125k lamang, comulative sales simula 2021 ay P23m, ang assets ay P18m lamang.
Saan napunta ang P776 million?”, tanong ni Win. “ Dapat nasa book records ito.” Oo nga!
***
Kinumpirma ng AMLC ang Suspicious Transaction Report (STR) dated August 1, 2024 na inuugnay sa mister ni VP Sara na si Mans Carpio sa umano’y drug trafficking activity.
Ang rekord ay linagyan ng pulang bandera ang PSBank accounts sa pangalan ni Carpio kasunod ng criminal complaints kaugnay ng 2017 P6.4-billion shabu smuggling case.
Tama na naman dito si Trillanes sa naging expose niya sa illegal drugs kungsaan isinangkot pa niya si Congressman “Pulong” Duterte sa umano’y isa pang Chinese drug lord na si Charlie Tan.
***
Sa ika-33 araw ng Impeachment Trial nung Lunes (Oct 5), nakumpirma na tama si Trillanes sa milyones ni dating Pangulo Rody Duterte at VP Sara sa BPI account.
Tama si Trillanes sa mga tseke na binibigay ni Sammy Uy kay VP Sara.
Si Sammy Uy ay isang “drug lord”, ayon sa dating “DDS hitman” ni Digong na si Arturo Lascanas.
Kinumpirma rin ng dating opisyal ng PNP anti-drugs na si Col. Eduardo Acierto na drug lord si Sammy Uy.
At tama si Trillanes sa P319 million ng Cale88 mula China.
Tama lahat ng naging expose ni Trillanes.
Ito ang rason kung bakit kahit anong salita ni Trillanes tungkol sa “drug money” ng pamilya Duterte ay hindi siya mademanda. Dahil kapag kinasuhan siya ay malalantad sa korte lahat ng ebidensya, tulad ng pakakalantad sa trial sa impeachment court ngayon. That’s it!