Advertisers

Advertisers

PCSO GM ROBLES, PROMOTED SA PCGA BILANG REAR ADMIRAL

0 24

Advertisers

Mula pagiging auxiliary commodore, na-promote patungo sa pagiging Rear Admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” A. Robles.



Sa ginanap na donning of rank ceremony sa Philippine Coast Guard Headquarters, sinabi ni Robles sa kanyang acceptance speech na siya ay nangangako ng patuloy na makikipagtulungan sa kaniyang mga kapwa opisyal at tauhan ng PCGA sa paglilingkod sa publiko.

“Sa pangkalahatan, ang ating mga posisyon, titulo, at ranggo ay may kabuluhan lamang kapag ginagamit natin ang mga ito upang magsilbi sa iba,” aniya.

Binanggit din ni Robles na ang nasabing promosyon ay isang pagkakataon upang patatagin ang kanyang commitment sa paglilingkod sa sambayanan.

Aniya, “Para sa akin, ang serbisyo publiko ay ang pagiging naroroon kapag kailangan ng tulong ng mga tao. Ito ay tungkol sa paghahanap ng mga paraan upang tumugon sa kanilang mga pangangailangan at pagtiyak na ang tulong ay makakarating sa mga nangangailangan nito.”

Kaugnay niyan ay bnigyang-diin din niya ang kahalagahan ng PCG bilang katuwang ng PCSO sa paghahatid ng mga suplay at pagpapadala ng tulong sa malalayong lugar sa tuwing may kalamidad at emergency, kung kailan lubhang kailangan ng mga apektadong komunidad ang ayuda.

“Alam natin iyon dahil ang Philippine Coast Guard ang ating katuwang sa paghahatid ng mga suplay,” ayon pa kay Robles. (JERRY S. TAN)