Advertisers
BUKSAN muli ang usapin sa paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) matapos tukuyin ng Commission on Audit (COA) ang kakulangan sa dokumentasyon ng mga benepisyaryo at distribusyon sa P168-milyong disaster-relief operations nito noong 2023.
Ayon sa House prosecution panel adviser na si Robert Ace Barbers, hindi maayos na na-verify ng mga auditor ang ilang recipients dahil sa mga kakulangan sa records, dahilan para muling mabanggit ang pangalang “Mary Grace Piattos” na dating lumitaw sa kontrobersyal na confidential fund documents. Araguy!!!
Nilinaw ni Barbers na walang natukoy ang audit na sina Piattos o Nico Harina bilang mga benepisyaryo ng relief operations.
Ang malaking tanong ngayon: kung hindi sapat ang dokumentasyon para matukoy kung sino ang tumanggap ng ayuda, saan at kanino eksaktong napunta ang bawat pisong inilaan para sa relief operations?
DDS sagot!
***
Iprinisinta nitong Lunes, Oct. 5, 2026, ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), sa katauhan ni Atty. Ronel Buenaventura, sa impeachment court ang summary records ng transactions ng mag-asawang Vice Presidente Sara Duterte at Atty. Mans Carpio na nagkakahalaga ng P4.6 billion mula 2006 hanggang 2026.
Ang mga rekord ay komokober ng 666 covered transactions reports (CTRs), o transaction reported dahil umabot ito sa halaga na required sa ilalim ng anti-money laundering rules, at 55 suspicious transaction reports (STRs), o transaction flagged and reported dahil sa suspicious circumstances anuman ang halaga nito.
Tanong: saan nanggaling ang ganito kalaking halaga ng salapi ng mag-asawang Sara at Mans? Esep esep…
***
SINABI ni dating Senador Antonio Trillanes, mula sa affidavit ni Arturo Lascanas, na si Congressman Paolo “Pulong” Duterte kasama ang negosyanteng si Charlie Tan, ay sangkot sa pagpasok ng SHABU sa Port of Davao.
Sinabi, aniya, ni Lascanas sa kanyang affidavit na si Pulong ang “mastermind” sa likod ng shabu smuggling sa naturang pier at siya mismo ang umaaktong front man.
Obkors itinanggi ni Pulong ang illegal drug smuggling. Siempre. Pero hindi niya itinanggi magkakilala sila ni Charlie Tan.
Si Pulong ay nagmama-ari ng isang malaking mansion na nakatago sa mataas na bakod sa Davao City.
Si Lascanas ay dating pulis na umaming naging hitman ng Davao Death Squad (DDS) na binuo raw ni noo’y Davao City Mayor ngayo’y ex-Pesident Rody “Digong” Duterte, ang ama nina VP Sara, Pulong at Mayor Baste.
Isa si Lascanas sa mga testigo sa International Criminal Court (ICC) laban kay Digong sa kasong ‘Crimes against humanity’.
Higit isang taon nang nakakulong si Digong sa ICC facility sa The Hague, Netherlands.