Advertisers

Advertisers

PASUGALAN NI ‘ONYIE’ SA NAUJAN AT CALAPAN MAY ‘BASBAS’ UMANO NG ILANG MATATAAS NA OPISYAL

0 4

Advertisers

Habang pinalalakas ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., ang mga hakbang sa pinaigting na “community intelligence” para tuluyan ng mabuwag ang mga operasyon at pugad ng ilegal na sugal alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., at paggabay ni DILG Secretary Jonvic Remulla, ay may ilan pa rin mga pasaway na opisyal ng kapulisan ang hindi tumatalima sa kampanyang ito.

Matatandaang sinabi ni Nartatez, na nananatiling isa sa pinakamabisang paraan ang impormasyong nagmumula sa mga residente upang matukoy ang mga operasyon ng ilegal na sugal na patuloy na umiiral sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Nartatez patuloy na isinasagawa ng pulisya ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na sugal sa pamamagitan ng mas maigting na operasyon sa buong bansa.

Noong Hulyo ngayong taon, umabot sa 9,401 katao ang naaresto, habang mahigit ?3.2 milyon na halaga ng perang pantaya at mga kagamitang ginagamit sa ilegal na pagsusugal ang nakumpiska.

Giit ni Nartatez patuloy niyang pinakikilos ang pwersa ng pulisya sa mga munisipalidad, lalawigan, at maging sa mga liblib na komunidad kung saan nananatiling laganap ang ilegal na sugal.

Binigyang-diin ng PNP Chief na ang ilegal na sugal ay hindi lamang usapin ng pagpapatupad ng batas sapagkat nakapag-ambag din ito sa pagdami ng krimen, batay sa datos ng PNP. Mismo!

Subalit may ilan paring mga pasaway na opisyal ng kapulisan na hindi tumatalima sa kampanya ng PNP Chief vs illegal gambling dahil laganap pa rin ito partikular na sa Oriental Mindoro.

Ayon sa ilang residente matagal ng laganap at nananatili untouchable ang presensya ng ilegal na sugal gaya ng STL jueteng/bookies at mga Peryahan na may sandamakmak na sugal tulad ng “color games at drop ball baraha” na pinagpipiyestahan gabi-gabi ng mga sugarol at adik maging ng mga kabataan partikular sa Poblacion ng Naujan na minamantini ng isang bigtime na gambling operator na alyas ‘Onyie’ na ilang hakbang lamang ang layo sa Naujan Municipal Police Station na pinamumunuan ni PLtCol Bobby Lloyd Ortiguero.

Lantad din ang mga pasugalang ito sa hurisdiksyon ni Calapan City Chief of Police PLtCol Michael Caraggayan.

Ayon sa reklamo inaabot din ng madaling araw ang mga sugarol sa pagtataya ng “color games at drop ball baraha” sa Barangay Canubing at Barangay Comunal na naging dahilan ng paglobo ng kriminalidad sa lungsod.

Sinabi ng source na hindi lamang sa Naujan at Calapan laganap ang “gambling operation” dahil talamak din umano ito sa mga bayan ng Pinamalayan, Mansalay, Bongabong, Roxas, Gloria, Bansud, Socorro, Victoria, Pola, Puerto Galera, Baco, at Bulalacao, Oriental Mindoro.

Batay sa sumbong ng ilang concerned citizen ipinagmamalaki pa raw ng mga nagpapakbo ng sugal na sina alyas Onyie, Toto, Ryan, Dayo, Joebert, Joel, at Vivien na may ‘basbas’ sa itaas ang ilegal nilang negosyo sa lalawigan ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor sa pamamagitan raw ng mga “bagman” ng CIDG, R2, SOG at S2 na sina Sgt. Manalo, Sgt. Raymond, Sgt. Leynes at Sgt. Nonoy.

Ang tanong, alam kaya ito nina CIDG Regional Field Unit 4B (CIDG RFU 4B) Regional Chief PLtCol David Toctocan, Oriental Mindoro PNP Provincial Director PCol Revita at PRO4-B Regional Director PBGen. Christopher Dela Cruz?

Ang ipinagtataka naman ng mga taga Oriental Mindoro, tila hindi yata prayuridad ang mga salot at perwisyong sugal na sumisira sa pamilya at kabuhayan ng mamamayan dahil wala umanong nakikitang galaw mula kina Col. Toctocan, Col Revita at Gen. Dela Cruz para sugpuin ito.

Kung totoong nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon ang mga nabanggit na lugar kung saan talamak ang pamamayagpag ng ilegal na sugal, bakit hanggang ngayon ay wala silang aksyon?

Hindi ba’t malinaw sa tungkulin ng isang opisyal ng kapulisan na sugpuin ang lahat ng iligal partikular ang ilegal na sugal sa kanilang nasasakupan.

May karugtong pa, Abangan!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com