Advertisers
NASAWI ang isang presidente ng isang homeowners association (HOA) at sugatan ang treasurer nito nang pagbabarilin sa loob ng kanilang opisina sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City nitong Huwebes.
Base sa paunang ulat, abala ang dalawang biktima sa pangongolekta ng buwanang bayad ng mga residente nang pumasok sa opisina ang gunman na nakasuot ng helmet 3:00 ng hapon.
Sinabi ng isang testigo na inakala nilang residente ang lalaki na magbabayad ng monthly amortization.
Hindi tinanggal ng gunman ang kanyang helmet at isinara pa ang pinto ng opisina bago pagbabarilin ang HOA president at treasurer. Agad na nasawi ang presidente.
Nakahingi naman ng tulong ang sugatang treasurer at isinugod sa ospital, kungsaan nananatili siyang under observation.
Ayon kay Barangay 171 VAWC Officer Yolly De Padua Misagal, hindi ito ang unang pagkakataon pinagtangkaan ang buhay ng biktima.
Matapos ang pandemya, pinaputukan ng tatlong beses ang bahay ng biktima pero hindi ito tinamaan. Dahil dito, pansamantala siyang nanirahan sa probinsiya bago bumalik sa Caloocan.
Patuloy na iniimbestiga-han ng pulisya ang insidente.