Advertisers

Advertisers

ATOM, NANAWAGAN SA PAMAHALAAN NA PANAGUTIN LAHAT NG KORAP

0 5

Advertisers

IGINIIT ng grupong August Twenty-One Movement o ATOM sa kasalukuyang administrasyon na panagutin ang lahat ng mga korap sa bansa.

Partikular na rito ang pagpapanagot sa mga sangkot sa flood control scandal na nakakulimbat ng bilyong pisong halaga ng kickbacks sa mga maanomalyang mga proyekto.

Ayon kay Don de Leon, ATOM Council, transparency at accountability ang tanging panagawan nila sa pamahalaan.

Malabo daw kasing mapapanagot ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang pinsang si dating House Speaker Martin Romualdez na dawit sa flood control scandal.

Dahil dito, tiniyak ng grupo na patuloy ang kanilang isasagawang mga protesta hanggat walang napapanagot na korap na mga pulitiko.

Ang programa ng grupo sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1 ay kasabay ng Ninoy Aquino Day.

Kasabay nito, nagpasalamat naman ang grupo sa New NAIA Infra Corp o NNIC matapos ilipat ang marker sa pinagandang arrival curbside ng terminal bilang pag-aalala sa yumaong Senator Benigno “Ninoy” Aquino na binaril sa ay binaril at napatay sa tarmac ng noo’y Manila International Airport (MIA) noong Agosto 21, 1983.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com